Thursday, March 31, 2011

Thomasian Engineer



Hello to you!


I wrote this post because I'm bored here in our house. Kidding! I just want to share to all of you my experience being a 1st year student of UST. =)






I can name 50 of them.


1. Pag first time mo sa UST, ay pag nadaan ka ng Main Building. 'Wag na 'wag kang mag s-sign of the cross. Hindi ito Church.
2.After ng Thomasian Welcome Walk niyo. Do not attempt to enter the Arch of the Centuries hangga't 'di ka pa guma-graduate. Mabuti ng nakakasigurado.
3. Marami kang pagpipiliang food establishments both inside and outside the campus.
4. Pag dumating ang oras na bumaha sa UST. 'Wag na 'wag kang tatawa o matutuwa o LUMUSONG manlang sa tubig baha. Makakasabay mo sila kaibigang ipis at daga.
5. 'Wag na 'wag mag-iiwan ng payong sa kung saan-saan, agawan ng payong everyday sa UST lalo na pag tag-ulan.
6. Masarap mag mass sa UST Chapel every sunday kahit taga-Navotas ka. Kahit malayo, sulit naman dahil malamig at tahimik habang nag mimisa. Pwede pa umupo sa 2nd floor.
7. Kapag manunuod ka ng UAAP Cheerdance Competition, 'wag kang bibili ng Gen Ad. Upper Box to Patron ang bilin mo. Trust me, hindi ka makakagalaw pag nasa Gen Ad. ka. 
8. Masarap sumabay sa cheers ng Yellow Jackets at fellow Thomasians lalo na kung ang chin-chant ay ang "GO USTe!" staple cheer.
9. Kapag medyo kalayuan ang bahay mo sa UST at uwian ka. GOOD LUCK. =)
10. Mababaet ang lahat ng Thomasians, pero piliin mo ang mas mababaet na grupo.
11. Sumali sa mga organizations, student councils, clubs at groups ng UST wether major or minor unit lang. Mas marami kang magiging friends at lalago ka pa ng sobra.
12. Kapag may Quiz, 'wag na 'wag kalimutang mag-review. Ikaw ang kawawa kapag hindi nag aral.
13. Kung mapagbigay ka masyado at nagkataong may nanlimos sayo at gusto mo siyang bigyan, 'wag kang magbibigay ng ma-karneng pagkaen. Hindi sila choosy, mga Badjao sila. 
14. Ang Faculty of Engineering ng UST ay sikat na sikat sa buong campus dahil ito ay may bansag na "Summer Capital ng UST".
15. Dahil sa kamanghaan mo sa UST, hindi mo na kakailanganin pang gumala pa sa malalayong lugar dahil masarap ng tambayan ang UST mismo.
16. Magsaya ka sa A.Y. 2010-2011 dahil ito ang taon kung kailan binuksan na ng tuluyan sa publiko ang Facebook. 
17. Weirdo ang UST. Before i-lift ang pagiging banned ng Facebook. Pwede kang maka-access sa Tumblr, Twitter at iba pang social networking sites.
18. Kapag may privelege ka ng pumili ng sarili mong PE class. 'Wag kang pumili ng tanghale-pahapon na schedule. Iitim ka ng tuluyan.
19. Ang mga estudyante daw sa AB ay mga LIBERAL? Totoo kaya?
20. Ang mga Accountancy students ay palaging may baong tumbler o kung anu mang lalagyan ng maiinom dahil wala na silang time na bumili sa ibaba mismo nila.
21. Kapag may nakita kang taga CFAD o taga ARKI na naka itim na jacket. I-expect mo na D&G ito dahil mga RK sila. 
22. Kung Swimming ang class mo, 'wag kang pumili ng schedule sa gitna ng linggo. Iba kasi ang kulay ng pool sa mga ganong araw.
23. Kapag nag che-Chemistry Lab class na kayo. 'Wag na 'wag mong sisinghutin ang Ammonia, maluluha ka.
24. Kapag nag su-summer class ka na sa eng'g at may nagtanong sayo na taga sa inyo o mga friends mo at tinanong nila kung bakita ka nagsu-summer class. Ang sabihin mo na lang ay "advance classes ang kinukuha ko"
25. Ang Bananarama ng MANG TOOTZ ang pinakamasarap na dessert sa balat ng UST campus. 
26. Nai-Cha naman ng Zentea ang pinakamasarap na inumin.
27. Kapag loner ka pa. Pretend na lang that you're reading something inside UST Library.
28. Magbaon ka ng maraming newspaper sa paskuhan.
29. Kapag paskuhan at may pa-raffle, bumili ka ng mga 100 entries para mataas ang chances mo to win cool gadgets. more than 45 laptops ang ipinamigay noong paskuhan '10
30. Nagkaka traffic daw ang Globe habang paskuhan dahil sa sobrang dami ng tao. 
31. Kapag fireworks display (paskuhan) na. Isigaw mo sa bawat pumuputok na firecracker na "OY! TUITION FEE KO YUNG PULA!"
32. FOOD FOR THE GODS ni ATE YEMA ang patok sa lahat ng tomasino. FTW!
33. Masarap magdasal sa UST Chapel lalo na pag nagkataong kakatapos lang ng misa. Malamig parin.
34. Nakakapayat daw ang maglakad-lakad sa loob ng UST.
35. Susundan mo ang prof mong nag-jjogging sa UST tuwing gabi dahil sa pagtataka kung bakit siya nagjjogging dun at kung bakit gabi pa.
36. Kapag college week sa UST, asahan ng walang pasok. Pero asahan din na maghahabol kayo sa klase.
37. Okay lang na maghugas sa recycled water. Pero 'wag mong aamuyin dahil mapanghe daw ito. (hindi ko pa nattry)
38. Marami kang makikitang Lovers sa Lover's Lane.
39. 'Wag malilito sa Fountain of Wisdom sa Fountain of Knowledge. 
40. Mahirap umabsent dahil ikaw ang bahalang maghabol sa mga lessons.

So dahil isa akong Engineering student, I'll dedicate the last 10 to Eng'g
41. 'Wag ka ng sumuway sa rules ng eng'g kundi palagi kang makikipag  habulan sa Asst. Dean.
42. Napaka RANDOM ang pag-uga ng buong Eng'g Building
43. 'Wag kang tatambay sa corridors ng eng'g dahil tatagaktak ang pawis mo. SWEAR.
44. ME ang pinaka jolly at pinaka maingay na department sa buong Eng'g. Masasaksihan mo yan tuwing Faculty Showdown, TSIETP at 
Engineering Week.
45. Kapag nalaman mong mag su-summer ka. WAG kang malungkot dahil hindi lang kayo lilima o sasampu. Maaaring Sampung Blocks kayo or more.
46. Kapag nalaman mo din na mag su-summer ka. WAG kang malungkot dahil kapag hindi mo naranasang mag summer. Hindi mo maf-feel ang Essence ng pagiging student ng Faculty of Eng'g.
47. Malaki ang tulong ng ESC at iba pang student organizations around eng'g patungkol sa mga announcements ng Dean at iba pang school officials.
48. Kapag malapit ng mag lights off sa eng'g. 'Wag ka ng mag-stay pa. Marami ka daw maririnig na ingay at bulong.
49. Magdasal palagi before and after taking the exams. Hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan noon.
50. Sa mga major exams sa eng'g (Prelims at Finals). Hindi lang PUSO ang ginagamit. pati ang UTAK ay MAHALAGA ay mahalaga at mas kapakipakinabang.


Agree mga friends? =) UST @ 400. 400 years of unending grace. Go! USTe! =)


Cheers,
Adrian

9 comments:

  1. enter? db dpat exit sa arch? :))ANG DAMI... kaduling >.<

    ReplyDelete
  2. nice one adrian. blog lang ng blog :D

    ReplyDelete
  3. kadiri! haha! anyway thanks chairman! =">

    ReplyDelete
  4. buhay pa si pala ang mang tootz... nyahahaha...

    pero tip lang, basta maayos ang hair mo kahit mahaba, nde ka hahabulin ng asst dean.. nyahaha.. basta may id lang dahil hanggang cr susundan ka..

    ReplyDelete
  5. Adrian, kung typical na inhinyero ka, matututo ka rin uminom sa tanghaling tapat.. nyahahaha..

    diskarte ang kailangan para mabuhay sa engineering (pero nde ko nasubukang magsummer sa UST) at magtry kumuha ng subjects sa ibang major kung kaya (lalo na sa IE) :)

    ReplyDelete
  6. thank you for your comments Sir Paul. =)

    Well, first year ko pa lang po ito. what more for those succeeding years? haha! Graduate ka na po ba? parang obvious naman. XD Grabe. parang nakakahiya. HEHE! palagi nyo na lang pong basahin ang blog ko. =)) thank you for reading SIR!

    CHEERS!
    adrian

    ReplyDelete
  7. "20. Ang mga Accountancy students ay palaging may baong tumbler o kung anu mang lalagyan ng maiinom dahil wala na silang time na bumili sa ibaba mismo nila."

    not true. :D

    ReplyDelete
  8. I agreed on most of your "facts" about UST. thumbs up! good job!

    ~kenkun

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...